-- Advertisements --

Naitalbla na ng Oklahoma City Thunder ang laban sa Indiana Pacers sa Game 2 ng NBA Finals sa score na 123-107.

Si Shai Gilgeous-Alexander ang nanguna sa OKC, kung saan nagtala ito ng 34 puntos, 8 assists, 5 rebounds, at 4 steals.

Si Chet Holmgren at Jalen Williams ay nagpakitang-gilas din, na may 15 at 19 puntos.

Habang si Tyrese Haliburton ng Pacers ay nahirapan sa unang bahagi ng laro at nagtapos lamang ng 17 puntos, 6 assists, at 5 turnovers.

Ang Thunder ay nagpakita ng matibay na depensa sa labang ito, kung saan hindi binigyan ng pagkakataon ang Pacers na makabawi sa laro.

Ang serye ay tabla na ngayon sa 1-1, at lilipat ang Game 3 sa Indianapolis sa Miyerkules.