-- Advertisements --

Isang dating mekaniko sa Wisconsin, USA ang nagpapatuklaw sa ahas mula taong 2000 hanggang 2018 upang magkaroon ng ”hyper-immunity” —ganap na resistensya laban sa lason ng mga ito.

Kinilala ang lalaki na si Tim Friede, na na-coma matapos ang ilang pagpapatuklaw sa mga ahas ngunit pursigudo parin ito sa kanyang layunin na makatulong sa paggawa ng mas epektibong antivenom.

At ngayon, tila nagbunga ang kanyang sakripisyo. Isang bagong pag-aaral na inilathala sa Cell journal ang nagpakitang ang antibodies mula sa kanyang dugo ay epektibong panlaban sa lason ng maraming uri ng ahas. Umaasa ang mga mananaliksik na ito ay makakatulong sa paggawa ng unibersal na antivenom.

Sa kabila ng mga pagpapakagat ng ilang beses, tila nagbunga naman ang kanyang sakripisyo. Sa isang bagong pag-aaral na inilathala sa Cell journal, nabatid na ang antibodies mula sa kanyang dugo ay epektibong panlaban sa lason ng maraming uri ng ahas.

Sa kasalukuyan, karamihan kasi sa mga antivenom ay mula sa kabayo at tumutugon lamang sa iilang uri ng ahas. Maaari rin itong magdulot ng malubhang side affects gaya ng anaphylactic shock.

Batay sa WHO, hanggang 138,000 katao ang namamatay kada taon dahil sa kagat ng ahas, karamihan ay mula sa mahihirap at liblib na lugar.

Samantala tumigil na siya sa pagtuturok ng lason mula 2018 para maiwasan ang iba pang isyu, pero umaasa siyang makabalik muli sa kanyang kakaibang eksperimento.

“I do miss it,” ani Friede.