-- Advertisements --
Mamamahagi ang gobyerno ng mahigit na isang milyong SIM cards para sa mga guro at mga mag-aaral mula sa liblib na lugar ng bansa.
Layon nito ay para matugunan at magkaroon ng mas maraming internet connectivity.
Sinabi ni Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Paul Joseph Mercado, napapaloob ito sa Bayanihan SIM Project.
Mayroon agad itong 25 gigabytes subscriptions na agad na magagamit ng mga guro at mag-aaral para sa kanilang klase.
Tuloy-tuloy din ang ginagawa nilang pagtatayo ng mga cellular towers sa mga liblib na lugar o ang Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).
Isasagawa ang pamamahagi bago ang pagsisimula ng third quarter ng taon.