-- Advertisements --
Nanindigan si Pangulong Ferdinand Macos Jr na hanggang walang solidong rerouting plan ay hindi matutuloy ang rehabilitaasyon ng Epifanio delos Santos Avenue (Edsa).
Sinabi nito na sa hindi biro ang magiging hirap ng mga mananakay na magsakripisyo ng dalawang taon para sa P8.7 bilyon na rehabilitasyon ng EDSA.
Marapat na makita nitong handang-handa na ang mga local government unit (LGU) na maghanap ng solusyon at ito ay maaaring matuloy na.
Magugunitang personal na nagsagawa ng inspeksyon ang pangulo sa mga iba’t-ibang transportasyon at nakita nito ang pagkakaroon ng sakripisyo ng mga mananakay tuwing rush hour.
Nakatakda sanang magsimula na sa kalagitnaan ng Hunyo ang nasabing rehabilitasyon subalit ito ay kinansela ng pangulo.