Inatasan ngayon ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III partikular na ang mga opisyal nito na dapat maging mabilis, nagkakaisa at moderno na ang sistema ng kanilang organisasyon sa naging kauna-unahang Command Conference niya bilang hepe ng organisasyon.
Ani Torre, ito ang kanilang bibigyang pokus sa kanilang pagpapatuloy na makapagbigay ng magandang serbisyo sa publiko.
Maliban sa mabilis at modernong approach ng kanilang tanggapan ay binigyang prayoridad din ng hepe ang pagbibigay ng epektibong serbisyo at ang pagiging palaging accessible ng kanilang mga serbisyo sa publiko.
Balak din ng hepe na mas palakasin pa ang kanilang mga internal cohesion para matiyak na lahat ng kapulisan sa ilalim ng kaniyang lderato ay napoprotekthan, pinapahaagahan at pinapakinggan.
Kasunod nito ay agad ding ipinagutos ni Torre ang implementasyon at pagpapalakas ng mga radio communication systems ng kanilang organisasyon sa buong bansa.
Sa pamamgitan aniya nito ay magiging mas moderno ang pagbibigay nila ng kanilang serbisyo sa publiko kasabay ng pagyakap ng PNP sa modernisasyon hindi lamang sa kanilang paraan kung paano mamuno ngunit sa kung paano rin sila makapaghahatid ng kalidad na serbisyo sa mga mamamayang Pilipino.