-- Advertisements --

Posibleng mabuo ang Low Pressure Area na nasa loob ng Philippine Area of responsibility bukas, araw ng Martes o sa mga susunod na araw.

Base sa monitoring ng weather bureau kaninang alas-8 ng umaga, namonitor ang lokasyon ng LPA sa 300 kilometers ng kanluran ng Bacnotan, La Union.

Base sa kasalukuyang pagtaya ng bureau, inaasahan na kikilos pakanlurang direksiyon palayo ng bansa ang namumuong masamang lagay ng panahon sakaling ito ay maging tropical cyclone at posibleng lumabas ng PAR sa mga susunod na araw.

Sakaling maging ganap na bagyo, tatawagin itong Auring habang nananatili sa loob ng bansa.

Inaasahang magpapalakas ito sa habagat o southwest monsoon, na mararamdaman partikular na sa western Luzon at Visayas.

Samantala, sa Mindanao naman makakaranas ng isolated o kalat-kalat na pag-ulan na may paminsan-minsang pagkidlat at pagkulog habang mababa naman ang tiyansa ng pag-ulan sa ilang lugar sa Cagayan Valley region.