-- Advertisements --

Hinimok ng China ang Pilipinas na itigil ang tinawag nitong “Provocations and publicity stunts” sa west pH sea, kasunod ng muling paggigiit ng maynila sa maritime rights nito sa ilang pinagtatalunang bahura.

Ayon kay Chinese foreign ministry spokesperson Guo Jiakun, mariing tututulan ng Beijing ang anumang umano’y paglabag sa kanilang territorial sovereignty at maritime rights at magsasagawa umano ito ng mga hakbang upang protektahan ang mga interes nito.

Tumugon si Guo matapos muling igiit ng Department of Foreign Affairs na saklaw ng sovereign rights at jurisdiction ng pilipinas ang panganiban reef at zamora reef bilang low-tide elevations na nasa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone at continental shelf.

Iginiit naman ng China na bahagi ng Spratly islands at itinuturing nitong sariling teritoryo ang panganiban reef, Zamora reef at pag-asa island.

Tinanggihan din nito ang posisyon ng pilipinas ukol sa maritime entitlements sa mga naturang feature.

Muling binatikos ng Beijing ang 2016 wps arbitral ruling at iginiit na wala itong bisa.

Kinuwestiyon din nito ang philippine maritime zones act, na ayon sa China ay lumalabag sa kanilang territorial sovereignty at maritime rights sa West Philippine Sea.