-- Advertisements --

Patuloy na magpapaulan sa Luzon at Visayas buong Linggo ang Southwest Monsoon o Habagat ayon sa weather bureau. Mararanasan ang mga rain showers at isolated thundestorms sa hapon at gabi.

Makararanas naman ng paminsan-minsang pag-ulan ang mga probinsya ng Zambales, Bataan, Batangas, at Occidental Mindoro.

Samantala, maulap naman at may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Ilocos Region, Western Cordillera, bahagi ng Central Luzon, at MIMAROPA, maging sa Antique.

Mainit na panahon naman ang makakaapekto sa bahagi ng Mindanao, ngunit may posibilidad rin na makaranas ng isolated thunderstorms.

Makakaranas naman ng moderate to heavy Rains sa Martes, September 8, ang Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.

Heavy to intense rains naman ang mararanasan ng Occidental Mindoro. Habang moderate to heavy rains naman sa Zambales, Bataan,Tarlac, Pampanga, Cavite, Batangas Oriental Mindoro, Palawan, at Antique.

Binalaan naman ng weather bureau ang publiko sa posibleng mga pagbaha at landslide. Ang Habagat, ay mula sa Tropical Storm Krovanh, at may local name na “Pilandok”. Huli itong namataan sa layong 1, 155 kilometers east northeast ng Extreme Northern Luzon, sa labas ng Philippine Area of Responsibility.