Personal na binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nagpapatuloy na paghahanda sa Barihan Elementary School sa Malolos, Bulacan bilang bahagi ng Brigada Eskwela 2025 na may temang ‘Sama-Sama Para sa Bayang Bumabasa’ ngayong araw June 9, 2025.
Kaniyang ininspeksyon ang isinasagawang repair ng mga bubong, bintana at pinto ng mga classrooms upang matiyak na ligtas at safe na gamitin sa pagbubukas ng klase ngayong taon.
Tinignan din ng Pangulo ang archival images na nagpapakita ng pagkasira dahil sa nagdaang bagyo dahilan na binigyang-diin ng pangulo na kailangan ng rehabilitasyon sa nasabing pasilidad at disaster preparedness.
Ang Brigada Eskwela 2025 ay magsisimula mula June 9 hanggang June 13,2025.
Para tulunngan ang mga estudyante, nasa 300 na mga bags na may lamang basic school supplies ang ipamahagi sa Barihan Elementary School sa unang araw ng pasukan sa June 16, 2025.