Italy map
-- Advertisements --

Ibinunyag ng mga health experts sa Italy na nasa kanilang bansa na noong Disyembre pa ang coronavirus.

Ayon sa National Institute of Health (ISS) na may mga genetic virus traces silang nakita sa mga tubig noon pang Disyembre 18.

Malaki rin ang paniwala nila na maraming mga bansa ang nagtala na ng coronavirus cases bago pa lamang 2020.

Sa kanilang mga pag-aaral, nangulekta ang mga scientist ng 40 sewage samples mula sa wastewater treatment plant sa northern Italy sa pagitan ng Oktubre at Pebrero.

Sinabi ni ISS water expert Giuseppina La Rosa na ang mga samples na nakuha noong Oktubre at Nobyembre ay negatibo habang ang mga wastewater sa Bologna ay nagsimulang makitaan ng traces ng virus noong Enero pa lamang.

-- Advertisement --

Magugunitang kinumpirma ng China na ang unang kaso ng coronavirus na kanilang naitalaya ay noon pang Disyembre habang ang unang kaso ng coronavirus sa Italy ay unang naitala noong Pebrero.