-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ni Pinay Tennis star Alex Eala sa Internazionali BNL d’Italia sa Rome.
Ito ay matapos na talunin siya ni Marta Kostyuk ng Ukraine sa score na 6-0, 6-1 sa unang round ng torneo.
Dahil dito ay natapos na ang mga laro ni Eala sa WTA 1000 tournament at pinaghahandaan na lamang nito ang French Open.
Umabot lamang sa 10 minuto ang laro kung saan dominado ng Ukrainian ang laro.
Naging malakas ang world number 27 sa mga serves kaya hindi nakayanan ni Eala na nasa world number 70.
Susunod na makakaharap ni Kostyuk si Leylah Fernandez ng Canad.