LAOAG CITY – Nagbigti ang isang construction worker sa lood ng kanilang barracks sa Brgy. 4 Sta. Maria, Vintar, Ilocos Norte dahil umano sa selos.

Nakilala ang construction worker na si Edgar Baisa, 34, may live-in partner at residente ng Brgy. 4 sa bayan ng Bacarra.

Ayon sa PNP, nadiskubre ang kinakasama nitong si Lorna Saraña, 42, na nakabitin sa loob ng kanilang barracks.

Inamin nito sa PNP na may hindi sila pagkakaintindihan at nag-away sila dahil sa selos.

Dagdag ni Seraña, hindi pa ito natulog sa tabi niya kagabi dahil sa takot na masasaktan ulit ito.

-- Advertisement --

Nabatid na nag-text ang biktima sa live-in partner kahapon na magbibigti ito ngunit hindi inakala ni Seraña na magagawa ng kanyang boyfriend.

Ayon kay Dr. Heidi Maritha Albano, halos anim na oras ito patay mula noong matuklasan ang bangkay.