-- Advertisements --

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang Chinese Peoples Liberation Army (PLA) Navy warships at ang ang China Coast Guard vessel na namataan sa layo ng 69 nautical miles sa Cabra Island sa Occidental Mindoro na nasa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ito ay batay sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) kanilang binuntutan at nagsagawa ng radio challenge sa nasabing Chinese navy warships na tila nagsasagawa ng patrulya sa karagatan ng Pilipinas.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro sa ilalim ng Marcos administration, kasama ang kapangyarihan ng international law, hindi aatras ang Pilipinas para sa laban sa soberanya sa West Philippine Sea.

Sa kabilang dako, nababahala si Foreign Affairs Secretary Maria Teresa Lazaro sa patuloy na hindi pagkilala ng China sa nasabing ruling at sa illegal coercive at aggressive actions nito.

Binigyang-diin ni Secretary Lazaro na ang pagtugon sa aksiyon ng China ay sa pamamagitan ng diplomasya.

Naniniwala naman si Defense Secretary Gilberto Teodoro na ang pagdipensa sa sovereign rights at jurisdiction ng Pilipinas ay hindi isang act of provocation kung hindi isang sacred at fundamental duty ng bansa at pagpapakita ng responsibilidad ng pamahalaan para sa bayan.

Ayon naman kay National Security Adviser Eduardo Año, hindi mabubura ang anumang uri ng pananakot at misinformation ang final at legally binding arbitral ruling.