Naghahanda na ngayon ang Department of Labor and Employment (DOLE) at National Food Authority (NFA) sa Ilocos Norte para sa pagpapatupad ng programang P20 na kada kilo ng bigas ngayong buwan ng Hulyo.
Layunin ng proyekto na matulungan ang mga low-income earners sa lalawigan.
Ayon kay DOLE-Ilocos Norte chief Janelyn Martin isinagawa na ang mga coordination meetinng kasama ang mga pribadong establishimento.
Bagamat wala pang final count ng mga benepisyaryo sa Ilocos Norte, ang programa ay bahagi muna ng nationwide initiative ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na layuning makapagbigay ng abot-kayang bigas sa humigit-kumulang 15 milyong Pilipinong kapos sa kita.
Tiniyak naman ni NFA na handa na silang magsimula ng distribusyon sa oras na aprubahan ito ng DOLE.