-- Advertisements --
Aabot na sa 14 na katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Byron sa Gaza sa loob ng 24 na oras.
Kabilang sa nasawi ang tatlong bata kung saan dahil sa hypothermia o labis na kalamigan.
Dahil sa nasabing bagyo ay pansamantalang pinalikas ang mga naninirahan sa mga tents at shelters dahil sa pagtaas ng tubig baha.
Tinatayang mayroong 13 kabahayan at gusali ang gumuho at 27,000 na mga tents ang nabaha.
Ayon sa United Nation International Organization for Migrations na pnangangambahang maapektuhan ang nasa halos 800,000 na mga naninirahan sa Gaza.
Nanawagan ang ahensiya sa ibang mga bansa ng agarang tulong dahil sa nasabing pagbaha.
















