-- Advertisements --

Ipinaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magpapatuloy pa rin ngayong buwan ang kanilang gagawing labor inspections.

Sa inilabas na Labor Advisory ng DOLE na bahagi pa rin sa kanilang trabaho ang enforcement ng labor standards.

Isinasagawa lamang ang labor inspections kapag sila ay nakatanggap ng reklamo, kapag nagkaroon ng paglabag sa kaligtasan ng mga manggagawa at kahalintulad nito.

Tiniyak naman ng DOLE na kanilang inaaksyunan ang anumang reklamo na kanilang natatanggap.