-- Advertisements --

Inihayag ni Department of Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na kanilang iniimbestigahan ang mga opisyal ng pamahalaan simula 2016 hanggang taon kasalukuyan kaugnay sa flood control projects anomaly.

Ayon sa kalihim, ito aniya ang unang nabanggit na aabot sa 200-katao o indibidwal na sangkot umano sa kontrobersyal na mga infrastructure projects.

Kung saan ibinahagi ng kalihim na binubuo ang bilang na ito ng mga district engineers pati mga contractors nakakuha ng proyekto.

Bukod sa mga nabanggit na mga opisyal, kasama rin aniya dito maging mga kongresistang contractor o ang tinatawag niyang cong-tractors.

Iginiit naman ng kalihim na hindi na aniya bago pa ang ganitong kalakaran sa House of Representatives o sa mga kongresista.

Aminado siyang ang ilan sa mga kinatawan ng kongreso ay mga contractor din kung kaya’t kanyang nababanggit ang terminong ‘cong-tractors’.

Dahil rito’y hindi aniya ito palalagpasin bagkus ay kanilang isinasamang imbestigahan.

Maaalalang mula sa 200-indibidwal na umano’ sangkot sa isyu, 67 rito ay mga congtractors.

Ani Justice Sec. Remulla, siya’y nakipag-ugnayan kay House Speaker Bojie Dy nang sa gayon ay mapag-usapan ang patungkol sa mga kongresistang contractor.

Kaugnay pa rito, sinabi ni Justice Secretary Remulla na posibleng maging mga opisyal mula sa mga local government units ay may kaugnayan rin sa infrastructure projects anomaly.