pnp chief albayalde
PNP chief Gen. Oscar Albayalde

Sumentro sa cover up issue ni PNP Chief Oscar Albayalde sa kaniyang mga tauhan ang committee report na inilabas ng Senate committee on justice and human rights.

Ayon kay panel chairman Sen. Richard Gordon, malinaw sa mga nakalap nilang testimonya at documentary evidence na may mga nalabag na batas ang pinuno ng pambansang pulisya.

Partikular na umano ang mga ginawang pagtawag ni Albayalde sa mga kapwa nito opisyal ng PNP para lamang maisalba ang mga tauhang nasasangkot sa isyu ng ninja cops o drug recycling.

Pero nilinaw ng senador na hindi pa ito ang final report nila dahil may inaasahan pang hearing kapag nakabalik na sa bansa ang kaniyang mga kasamahan sa komite.

Umaabot sa siyam na hearing ang naidaos ng Senado na tumutok sa good conduct time allowance (GCTA) sa Bilibid at isyu ng “ninja cops” sa Pampanga.