-- Advertisements --
Target ng Commission on Elections (COMELEC) na resolbahin ang lahat ng mga kanselasyon ng certificate of candidacy (COC) bago ang petsang pagpapalabas nila ng opisyal na listahan ng mga tatakbong kandidato sa 2022 elections.
Kabilang na dito ang petisyon sa kanselasyon ng COC ni dating senador Bongbong Marcos na tatakbong pangulo.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez na kung walang gaanong clarificatory hearing ay hindi na ito magtatagal at mareresolba na agad.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay hiniling ng human rights organization sa Comelec na kanselahin ang COC ni Marcos Jr dahil siya na-convict sa noong 1995 dahil sa hindi paghahain ng kaniyang income tax returns ng ilang beses mula 1982 hanggang 1985.