-- Advertisements --
Itinanggi ng Russia na may balak silang atakihin ang Poland.
Kasunod ito sa pagpapabagsak ng Poland ng nasa 19 Russian drones na pumasok sa airspace sa Warsaw.
Nangyari ito sa overnight attacks sa western Ukraine.
Ayon sa Russian Defense ministry na wala silang anumang plano na umatake sa Poland.
Ang maximum range ng UAV aniya na ginamit sa pag-atake sa Ukraine ay hindi lumalagpas ng 700 kilometers.
Handa umano silang magkaroon ng konsultasyon sa defense ministry ng Poland ukol sa nasabing usapin.