Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na sila ay maghihigpit kapag nagsimula na ang campaign period.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, sa ngayon ay hindi pa applicable ang guidelines kaya hindi maaring masita ang mga nagsasagawa ng pagkumpulan ng mga tao kapag dumarating ang mga politiko sa isang lugar.
Pagdating aniya ng Pebrero 8 para sa national at Marso 25 sa local candidates ay doon na sila maghihigpit.
Aminado si Jimenez na kaya nila nilabas ng maaga ang nasabing panuntunan para may sundin ang mga kandidato subalit ito ay nababalewala.
Sinang-ayunan din ni Jimenez ang panawagan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga kandidato na huwag munang mangampanya hanggang hindi pa dumarating ang araw ng campaign period.