Mariing itinanggi ni dating House appropriations panel chairperson at Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co ang alegasyon na mayroong itong P13 bilyon insertions sa P6.3 -trillion national budget ng taong kasalukuyan.
Giit nito na ang mga lumabas na usapin ay hindi lamang imbento o gawa-gawa lamang na malinaw na politikal ang motibo at sa halip ito ay ginawa para lituhin ang publiko at ibalin sa iba ang pananagutan.
Dagdag pa nit o na ang 2025 General Appropriations Act at ang probisyon nito ay hindi para sa kaniya na mag desisyon dahil ito ay kapwa inaaprubahan ng mataas at mababang kapulungan ng Kongreso na pirmado naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Mayroon aniya pagkakataon na may ilang probisyon ang nai-veto at hindi nailabas ang pondo.
Ang nasabing alegasyon ay isinawalat ni Navotas Representative Tobias Tiangco na tumestigo sa Senate Blue Ribbon inquiry ukol sa usapin ng flood control projects.
Kasama rin si Co na nadawit ng ilabas ng mga kontraktor na sina Sara at Curlee Discaya na nabigyan ng awards ng proyekto.
Noon kasi ay incorporator si Co ng Sunwest Inc. ang pang-limang pangunahing flood control project contractors sa Bicol region.