Nailipat na sa Pasay City Jail nitong Miyerkules ng gabi , Setyembre 10 si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez.
Kasunod ito sa kautusan ng Senado na ilipat si Hernandez mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.
Naganap ang paglilipat kay Hernandez dakong 8:50 ng gabi kung saan ito ay bantay sarado ng Senate Sergeant-at-Arms, Bureau of Jail Management and Penelogoy (BJMP) at Police Security and Protection Group (PSPG).
Sinabi ng kaniyang abogado na si Atty. Ernest Levanza, na malinaw ang motibo sa paglilipat kay Hernandez sa Pasay City Jail na isang uri ng pagganti.
Magugunitang pinatawan ng contempt si Hernandez at inatasan ng Senado na makulong dahil sa umanoy pagsisinungaling sa Senate Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa kuwestiyonableng flood control projects.