Inilabas na ng Philippine National Volleyball Federation ang final roster ng Alas Pilipinas na sasabak sa FIVB Volleyball Men’s World Championship na gaganapin sa bansa.
Nanguna sa listahan sina Bryan Bagunas at Marck Espejo na sila ang naging susi sa pagkamit ng bansa ng silver medal noong Southeast Asian Games 2019.
Kabilang din sila sa pagsabak ng koponan sa Asian Games na ginanap sa Hangzhou noong 2021.
Kasama sa mga listahan sina Josh Ybanez, Joshua Retamar, Vince Lorenzo, Kim Malabunga, Jade Disquitado, Jack Kalingking, Peng Taguibolos,Leo Ordiales, Eco Adajar, Lloyd Josafat, Louie Ramirez, Michaelo Buddin at ang coach nila na si Angiolino Frigoni.
Magsisimula ang laro sa Setyembre 12 sa Mall of Asia Arena kung saan mayroong 32 na koponan ang sasabak sa laro.
Unang makakaharap ng Alas Pilipinas ang bansang Tunisia.