-- Advertisements --
Nagdagdag ng isang araw ang Irish band na The Script para sa kanilang concert sa bansa.
Kasunod ito sa tumaas ang demand mula sa mga fans ng banda.
Inanunsiyo ng banda ang magiging dagdag na concert date nila sa darating na Marso 20, 2027 sa Mall of Asia Arena.
Ang nasabing anunsiyo ay kasunod na na-sold out ang unang dalawang gabi ng konsiyerto ng grupo sa Marso 18 at 19.
Naglalaro kasi ang tickets mula P1,650 hanggang P14,900.
Magsisimula naman ang bentahan ng tickets para sa ikatlong show sa darating na Hunyo 13.
















