-- Advertisements --

Tatalima raw si Senador Chiz Escudero sa anumang kautusan na ipagkakaloob sa kanya upang patunayan na hindi siya lumabag sa anumang batas.

Pagpapaliwanagin ng Commission on Elections (Comelec) si Escudero at ang kontratistang nagbigay sa kanya ng P30 milyon na campaign contribution.

Sa panayam, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na maglalabas sila bukas ng show cause order laban kay Lawrence Lubiano, may-ari ng Centerways Construction and Development Corporation, upang ipaliwanag kung totoong nag-donate siya ng P30 milyon sa kampanya ni Escudero.

Nauna na umanong umamin si Lubiano sa Kamara na nagbigay siya ng milyun-milyong piso kay Escudero.

Kapag nakapagsumite na ng sagot, susunod namang pagpapaliwanagin ang senador.

Gayunpaman, nagpapasalamat si Escudero kay Comelec Chairman Garcia dahil binibigyan siya ng pagkakataon na patunayan na wala siyang nilabag na batas.