-- Advertisements --

All-set na ang Commission on Election (COMELEC) sa gagawing proclamation ng 12 panalong senador.

Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, na tuloy na sa Mayo 17 ang nasabing proclamation na ito ay isasagawa sa Tent City ng Manila Hotel ng alas-tres ng hapon.

Papayagan ang mga nagwaging kandidato na magdala ng 10 hanggang 15 mga kasamahan nila.

Bawat kandidato rin ay mabibigyang ng limang minuto para magpasalamat sa mga sumuporta sa kanila.

Dagdag pa nito na napaldalhan na ng National Board of Canvassers (NBOC) ng formal invations ang 12 senators.

Magugunitang nitong Biyernes ng inilabas na ng NBOC ang tinatawag na “magic” 12 na nagwaging senador.

Kinabibilangan ito nina:

  1. Christoper “Bong” Go mayroong 27, 121,073 na boto.
  2. Bam Aquino – 20, 971, 899 boto
  3. Ronald “Bato” Dela Rosa – 20, 773, 946 boto
  4. Erwin Tulfo – 17, 118, 881 boto
  5. Kiko Pangilinan- 15, 343, 229 boto
  6. Rodante Marcoleta- 15, 250, 723 boto
  7. Panfilo “Ping” Lacson – 15, 106, 111 boto
  8. Vicente “Tito” Sotto III – 14, 832, 996 boto
  9. Pia Cayetano – 14, 573, 430 boto
  10. Camille Villar – 13, 651, 274 boto
  11. Lito Lapid – 13, 394, 102 boto
  12. Imee Marcos – 13, 339, 227 boto.

Sa araw naman ng Lunes , Mayo 19 ang pagsasagawa ng proklamasyon ng mga nagwaging Party-list groups.