ILOILO CITY – Nagbabala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga local government units (LGU) na huwag gawing campaign platform ang 36th anniversary ng EDSA People Power Revolution.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Wilfred Balisado, director ng COMELEC Western Visayas, sinabi nito na kahit na hindi na matanggal ang palangan ng mga Marcos sa EDSA Revolution, nararapat na iwasan ng mga opisyal ng gobyerno na gamitin ito bilang opurtunidad upang mangibabaw sa eleksyon.
Sa 2022 elections, kandidato sa pagpapresidente si Bongbong Marcos Jr., na anak ng dating diktador na si President Ferdinand Marcos Sr.
Ayon kay Balisado, dapat maging objective lang ang commemoration ngayong taon at pawang katotohanan lang upang maiwasan na maging political rally ang mga aktibidad.