-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni actress-beauty queen Alma Concepcion si actor-politician Arjo Atayde na inakusahan ng mga kontratista na sina Sarah at Curlee Discaya bilang isa sa mga opisyal na diumano’y nakakuha ng ”kickback” mula sa kanilang kumpanya kaugnay ng maanumalyang flood control projects.

Sa kanyang Facebook post noong Sept. 10, ibinahagi ni Alma ang mga litrato mula 2021 kung saan kasama niya si Sylvia Sanchez, ina ni Atayde, at iba pang kaibigan sa kanilang beachfront property at yacht. Aniya, malinaw na nakuha ang mga ari-arian bago pa man nahalal si Atayde bilang kongresista noong 2022.

Samantala nanindigan naman si Atayde laban sa mga paratang at sinabi ng kanyang asawa na si Maine Mendoza, na maghahain sila ng kaso laban sa mga nag-akusa.

Matapos ang mga alegasyon, muling sumikat ang isang lumang panayam ni Sylvia Sanchez sa kanilang beachfront property na ginamit ng netizens bilang patunay ng marangyang pamumuhay ng pamilya sa gitna ng isyu ng korapsyon.