Inihain ngayong araw ni Atty. Ernest Levanza, legal counsel ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineer Brice Hernandez ang petisyong ‘writ of amparo’ sa isang korte sa Pasay kasunod ng mailipat sa city jail ng naturang lungsod.
Ayon sa kanyang abogadong si Atty. Ernest Levanza, ang petisyon inihain sa Branch 12 ng Pasay Regional trial Court ay para hilingin ang ‘temporary protection order’ at upang maisailalim ang kanyang kliyente sa wotness protection program.
Giit niya’y hindi akusado o convicted sa anumang kaso si Hernandez kaya’t kinuwestyon nito nang dalhin ang kliyente sa Pasay City Jail.
Dagdag pa ni Atty. Levanza, si Brice Hernandez ay nakatatanggap na ng mga banta matapos ang kanyang rebelasyon sa House of Representatives.
Lumala pa aniya ito nang kanyang idawit at pangalanan ang ilang senado na umano’y sangkot sa maanomalang flood control projects.