Nakatakdang magsagawa ang Sandiganbayan Third Division ng kanilang ocular inspeksyon sa Pandi, Bulacan para sa umano’y ‘ghost’ flood control project sa lugar
Ayon sa korte, layon nito na suriin ang mga proyekto na siyang iniuugnay kay dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. dahil sa umano’y pagtanggap nito ng kickback mula sa mga hindi naman nabuong mga proyekto.
Maliban dito, layunin din aniya ng inspeksyon na alamin ang eksaktong lokasyon, physical existence at maging ang kasalukuyang kondisyon ng naturang proyekto dahil na rin sa mga isinumiteng pahayag ng mga witnesses mula sa prosekusyon na siyang nagbahagi ng iba’t ibang lokasyon ng project sites.
Samantala, matatandaan naman na nahaharap sa kasong malversation of public funds si Revilla na siyang tinatalakaya sa Sandiganbayan kung saan sangkot rin ang mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District Engineering Office.
Sa ngayon, halos nasa 95% nang kumpleto ang kaso na ito ni Revilla sa loob lamang ng 21 araw na pagtalakay nito sa korte.















