Iimbitahan ang magkapatid na sina Senador Alan Peter Cayetano at Lino Cayetano sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng umano’y ghost flood control projects sa Taguig City.
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee chairperson Erwin Tulfo, ang nakatatandang kapatid mismo ng senador, na nagsilbing alkalde ng lungsod mula 2019 hanggang 2022, ang humiling na imbestigahan ang flood control projects sa lugar mula 2022 hanggang 2025 na nagkakahalaga ng P6 billion.
Saad pa ni Tulfo na dapat maghanda si Sen. Alan dahil sarili niyang kapatid na ang humihiling ng imbestigasyon, sabay pahiwatig na tila mayroon aniyang nasilip sa proyekto ang kaniyang nakatatandang kapatid.
Subalit itinanggi naman ni Sen. Alan na may ghost projects sa siyudad.
Magpapatuloy ang imbestigasyon ng komite sa umano’y mga anomaliya sa flood control projects pagkatapos ng State of the Nation Address ng Pangulo sa Lunes, Hulyo 27.
















