-- Advertisements --

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang isang magnitude 4.5 na lindol sa karagatan ng Zambales ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 11, bandang 2:09 ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay nasa 13 kilometro timog-kanluran ng bayan ng Iba, Zambales.

Naramdaman ang Intensity IV nito (moderately strong) sa Iba, habang Intensity III (weak) naman ang naitala sa mga bayan ng Palauig, Masinloc, Botolan, at Cabangan.

Wala namang naiulat na pinsala o inaasahang aftershocks, ayon sa Phivolcs.