-- Advertisements --

Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.7 ang Pangasinan ngayong Biyernes, Nobyembre 7, 2025, bandang 1:23 ng hapon.

Ayon sa Earthquake Information No. 1 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang sentro ng lindol ay naitala sa layong 4 kilometro timog-kanluran ng Dasol, Pangasinan, na m ay lalim itong 10 kilometro.

Batay sa instrumental intensities, nairehistro ang Intensity IV sa Bani, Pangasinan; Intensity II sa Dagupan City at Lingayen, Pangasinan; at Intensity I sa Bolinao, Pangasinan at Iba, Zambales.

Wala pang naiulat na pinsala o nasaktan sa insidente, ngunit patuloy ang monitoring ng mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na maging alerto sa posibleng aftershocks.