-- Advertisements --
HIndi itinanggi ng Commission on Elections (COMELEC) na mayroong epekto sa kanilang paghahanda sa 2022 Elections ang mga paghahain ng mga petisyon para mapahinto ang pag-imprinta ng mga balota.
Sinabi ni COMELEC Commisioner Rowena Guanzon na sana matauhan ang mga partylist na naghain ng pagpapatigil ng ballot printing na mayroong epekto ito sa darating na halalan.
Dagdag pa nito na kapag hindi na ihabol sa Enero na maiprinta ang mga balota ay tiyak na magkakaroon ng problema sa halalan.
Nakatakda kasi sa darating na Enero 12 ang pag-imprinta ng ballota na gagamitin sa 2022 election ng bansa.