-- Advertisements --
Mainit na tinanggap ng Filipino community sa Cambodia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang unang agenda ng pangulo sa kaniyang tatlong araw na official state visit sa Cambodia.
Napuno ng kasiyahan at tawanan sa pakikipagkuwentuhan ng pangulo.
Nitong hapon ng Linggo, Setyembre 7, ng dumating sa Cambodia ang pangulo kasama si First Lady Louise “Liza” Araneta – Marcos.
Sinalubong siya ng mga opisyal ng Cambodia mula sa paliparan.
Ilan sa mga aktibidad ng pangulo ay ang pagkakaroon ng bilateral meeting kay Cambodian Prime Minister Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet para sa pagpapatibay ng relasyon ng Cambodia at Pilipinas.