Nag-isyu ng pinal na mga paalala si Supreme Court Associate Justice at Bar Examinations chairperson Amy C. Lazaro-Javier para bukas lalo na sa mga bar takers.
Kanyang pinaalalahanan ang mga ito kung anu-ano ang mga dapat hindi kalimutan sa naka-skedyul na apat na araw ng Bar Examinations.
Paalala niya na ihanda ang gagamiting mga laptop o gadget at seguraduhing naka-install ang Examplify Version 3.8.0.
Kailangan rin aniya memorisado ang kanilang login credentials, naka-set sa default font na Times New Roman, size 14 at i-download ang exams bago pa man dumating sa ‘testing centers’.
Binigyang diin din ni Associate Justice Lazaro-Javier na sundin ng mga kandidato ang mga nakasaad sa Bar Bulletins at notisya kung saa’y nakadetalye ang mga bagay na maari lamang dalhin at iba pa.
Kaya’t buhat nito’y ang naturang Associate Justice na tinagurian din bilang ‘Bar Mom’, ay may mensahe pa sa mga bar takers ngayong taon.
Sa kabila ng kabang posibleng nararamdaman, aniya’y bigyan atensyon rin ang pagbibigay kabuluhan sa halaga ng mga pinagdaanan.
Dagdag niya’y huwag kalimutan ang pag-ibig sa pamamagitan ng pagmamahal rin maging sa sarili.