-- Advertisements --

Hinikayat ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang gobyerno na agad na gumawa ang hakbang ukol sa mga nagaganap na kurapsyon sa flood control projects.

Ayon kay PCCI chairman George Barcelon, na ang ikinakabahala ng grupo ng mga negosyante ang mga nangyayaring pagbubunyag sa anomalya ng flood control projects.

Mahalaga na may mapanagot para hindi masira ang imahe ng Pilipinas sa ibang bansa lalo na ang mga foreign investors.

Kapag hindi ito natugunan ng tama ng gobyerno ay tiyak na mararamdaman ang epekto nito sa ekonomiya ng bansa.