-- Advertisements --

Mayroong dalawang kahilingan sa Pasko o ‘Christmas wish’ si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi nito na ang una ay ang pag-apruba ng mga mambabatas ng magandang budget ng gobyerno.

Habang ang ikalawa ay ang pagkakaroon pa ng mas maraming oras sa pamilya.

Inamin ng Pangulo na kaniyang na-miss ang simpleng buhay sa Ilocos Norte noong hindi pa ito humahawak ng mataas na posisyon sa bansa.

Paglilinaw niya na masaya siya sa kinalalagyan niya ngayon dahil mayroon itong pagkakataon para magsilbi sa mamamayan.

Magugunitang hindi na sinertipikahan ng Pangulo bilang urgent ang 2026 General Appropriations Bill (GAB) dahil ipinapaubaya na lamang nito sa mga mambabatas.