-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Commission on Election (Comelec) na mayroong mataas na accuracy ratings ang ginamit na automated vote counting machine sa katatapos na May 2025 elections.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, na base sa isinagawang Random Manual Audit (RMA) na iminamandato ng batas ay lumabas na mayroong 99.996 percent accuracy rate ang ginamit ng automated vote counting machine.
Nahigitan nito ang 2022 national elections na mayroon lamang 99.95 percent accuracy rate.
Inaasahan na makukumpleto ang audit hanggang sa Hunyo 28.