Iniimbestigahan na ng Commission on Election (COMELEC) ang sumbong sa kanila ni Pangasinan 6th District Representative Marlyn Primicias-Agabas na talamak ang bilihan ng boto sa nasabing distrito niya.
Sinulatan ng mambabatas sina Comelec Chairman George Garcia at Philippine National Police (PNP) chief Rommel Marbil dahil sa vote-buying sa bayan ng Rosales, Balungao at Asingan.
Base sa sulat na namamahagi umano ng tig-P3,000 sa kada botante ang kampo ng kumakandidatong si Gilbert Estrella.
Walang mga witness ang nais na lumantad dahil sa pangamba sa kanilang buhay.
Ipinaubaya naman na ni Garcia sa Committee on Kontra Bigay ang nasabing usapin para silipin ang nasabing alegasyon.
Magugunitang aabot na sa 213 na mga kandidato ang pinagpapaliwanag na ng COMELEC dahil sa alegasyon ng pamimili ng boto.