-- Advertisements --

Ikinagalak ng Comelec ang desisyon ng Korte Suprema na itakda ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa November 2, 2026.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na matapos ang inilabas na desisyon ng hukuman ay maayos na silang makakapagpatuloy sa maraming trabaho.

Sa pagbasura kasi sa mga petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng naisabatas na term extension para sa mga barangay official at ang paglilipat ng BSKE sa November 2026 ay malinaw na panuntunang susundin ng komisyon at hindi kailangan pang pagtalunan ang iba pang schedule.

Sinabi naman ni Garcia na magagamit pa rin nila ang mga naipaimprentang mga balota para sa BSKE.

Aminado ang COMELEC na madaragdagan pa ang bilang ng mga botante sa susunod na taon dahil mahaba pa ang panahon para sa registration period.