-- Advertisements --
Nagsasagawa ng mahigpit ng beripikasyon ang Commission on Elections (COMELEC) sa ulat na mayroong hackers ang nag-download ng 60 gigabytes ng data mula sa kanilang systems na siyang magko-kompromiso sa integridad ng halalan 2022.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez na kanila ng inimbitahan ang may sumulat sa nasabing ulat para mabigyang linaw ang alegasyon.
Dagdag pa nito na ang nasabing mga kahalintulad na balita ay nakakasira ng kredibilidad ng halalan.
Paglilinaw pa ni Jimenez na ang data na napasok ng hackers ay kailangan pang -i-encode sa kanilang systems.
Kinabibilangan ito ng usernames, personal identification numbers ng vote counting machines.