Ipinagmalaki ni Denver Nuggets coach Michael Malone na gumaling na ito mula sa nakahahawang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Malone, nalaman lamang niya na dinapuan ito ng COVID-19 matapos lumabas ang isinagawang antibody test sa kanya.

Kuwento pa ng coach, nagkaroon na raw siya ng sintomas bago pa man itigil ang mga laro sa NBA noong Marso 11.

Naniniwala si Malone na infected na rin siya noon ng coronavirus subalit hindi ito na-test.

“I’d say around March 20, I started not feeling well, and we began reaching out to team doctors to see if I could get a test,” wika ni Malone. “Unfortunately, at that time, there was no testing available.”

Noong buwan rin noong Marso, sinabi ng Nuggets na nagpositibo ang ilan nilang empleyado ngunit hindi na ibinulgar ang mga pangalan nito.

Pag-aamin ni Malone na nagpositibo ang antibody sa ginawang test sa kanya, patunay na nagkaroon siya ng coronavirus.

“I like to say that I got coronavirus and I kicked its butt,” ani Malone.