-- Advertisements --
Tuluyan ng kinuha ng Los Angeles Clippers bilang center si Joakim Noah.
Ang 35-anyos na beterano ay unang nagkaroon ng 10-day contract sa Clippers dalawang araw bago ang coronavirus pandemic.
Kinumpirma ng Clippers na kanilang kukunin ang serbisyo ng 6-foot-11 na si Noah.
Naging bahagi ng Memphis Grizzles noong nakaraang season si Noah kung saan mayroon itong average na 7.1 points, 5.7 rebounds at 2.1 assists.
Naging ninth overall pick ng 2007 NBA Draft si Noah na unang naglaro sa New York Knicks.