-- Advertisements --

Nagbuga ng ash flume ang Bulkang Mayon nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa PHIVOLCS, naobserbahan ang pagbuga ng abo alas-6:03 ng gabi sa ilalim ng makapal na ulap na tumatakip sa summit crater ng bulkan.

Tinangay ng hangin ang ash plume patungo sa pangkalahatang direksiyong hilagang-silangan.

Sa kabila nito, nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon, na nangangahulugang patuloy ang pag-aalboroto nito at may posibilidad ng biglaang pagbuga ng lava, ashfall at iba pang volcanic hazards.