-- Advertisements --

Pinakawalan na ng Sacramento Kings ang All-Star guard na si DeMar DeRozan.

Bagaman wala pang malinaw na team na lilipatan ng beteranong guard, pumayag na ang naturang koponan sa kaniyang pag-alis at tuluyang maging free agent ngayong 2026.

Dalawang season ang itinagal ni DeRozan sa Sacramento at nagawa niyang mapanatili ang average na 18.4, kasama ang 2.9 rebounds, 4.1 assists at impresibong 1 steal per game.

Sa nakalipas na dalawang season, nagawa napanatili rin niya ang 49.7% overall shooting at 32% 3-point percentage.

Isa si DeRozan sa mga mapagkakatiwalaang player sa clutch time at midrange shots. Sa clutch, siya ay rank No.19 sa NBA sa may pinakamaraming clutch points na naipasok.

Sa kabila nito, hindi naging maganda ang pagtatapos ng 2025-2026 season ng Sacramento matapos nitong irehistro ang 16-game losing streak.

Naitala ng team ang 60 pagkatalo sa naturang season. Ito ang ikalawang pinakamaraming pagkatalo sa kasaysayan ng koponan. Ang una ay ang 65 loss na nangyari noong 2008-2009 NBA season.