-- Advertisements --

Sikretong inilipat si U.S. President Donald Trump mula sa Air Force One patungo sa isang mas maliit na military aircraft habang nasa Turkey noong nakaraang buwan, matapos umanong makatanggap ng banta sa kanyang buhay.

‘Ayon kay Trump, mismong U.S. Secret Service ang nag-utos sa kanya na lumipat ng eroplano matapos ang NATO summit sa Ankara.

Kwento ng U.S. President inilipat siya mula sa Air Force One sakay ng isang catering truck upang hindi mahalata na lumipat siya sa ibang eroplano.

Kasama ni Trump sa naturang truck ang ilang malalapit niyang aide, kabilang sina White House Deputy Chief of Staff Dan Scavino, executive assistant Natalie Harp at Oval Office operations director Walt Nauta.

Hindi naman isinama sa paglipat ang mga Cabinet official.

Pag-amin pa ni Trump na mas mataas pa umano ang panganib sa kanyang sinakyang eroplano matapos nga itong sikretong ilipat dahil posibleng makaagaw na atensyon.

Sinunod lamang niya ang kanyang security protocol.

“I guess there was a threat out there. I didn’t really ask too much about it. I get a lot of threats,” pahayag ni Trump.

Hindi naman agad isinapubliko ng White House ang pagbabago sa flight. Nanatili itong sikreto hanggang sa iulat ito ng Washington Post nitong Lunes.

Nabatid na una nang sinakay si Trump sa isang bagong-renovate na eroplano na donasyon ng Qatar patungong Ankara para sa NATO summit.

Ngunit sa pag-alis niya sa Turkey, bigla niyang piniling gamitin ang mas lumang Air Force One.