Ipinakita na ni US President Donald Trump ang kaniyang bagong Air Force One.
Ang Boeing 747-8 jet ay donasyon ng Qatari government mula pa noong nakaraang taon.
Tinapos ng US military ang modification para sa luxury jumbo jet at ito ay nagkakahalaga ng $400 milyon.
Sa kaniyang talumpati sinabi ni Trump na ito ay isang uri ng lumilipad na White House sa level ng isang luxury na hindi na nakikita ng tao noon.
Magsasagawa muna ng initial commissioning flight ito sa pamumuno ng US Air Force bago ito sakyan ng US President.
Ilan sa mga modifications ay ang security, mission communications, logistic supports at mga advanced technology.
Lahat ng mga banta mula sa may-ari ng eroplano ay tuluyan ng na-neutralized.
Magugunitang noong Mayo 2025 ng ibinigay ng Qatari Royal family ang nasabing Boeing 747-8 sa US Department of Defense na gagamitin bilang Air Force One.
















