-- Advertisements --

Maraming katao ang nagkasakit matapos na buksan ang isang suspicious package na nai-deliver sa base operation for Air Force One.

Ayon sa isang opisyal ng Joint Base Andrews (JBA) sa Maryland na lumikas na ang mga tao mula sa gusali habang ang mga nagkasakit ay bumuti na ang kalagayan.

Ang nasabing package umano ay naglalaman ng white powder na kanilang nalanghap.

May ilang political propagandang nakuha ng mga otoridad na kasama ng package.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad kung saan walang nakitang anumang banta sa buhay ang mga ito.

Ang air base ay doon makikita ang US presidential plane at mga support aircraft doon din kadalasan ang lugar kung saan sumasakay ang Pangulo ng US tuwing may biyahe.